just me.. just elj...

just random thoughts...

Monday, February 11, 2008

Grand Fashion Show

Kamusta naman yan.. Di ko alam kung bakit di bagay sakin ang may make-up.. nagmumukha akong bakla.. :-<

Anyway, nakakapagod magshow. Ganito ba talaga lahat? Mula Friday ng 9pm nasa venue na kami para sa rehearsal. Take note na ang show ay 6pm pa ng Saturday. Bawal umuwi after ng rehearsal. Natapos kami ng 9:30am siguro. Pero di pa ko pwedeng umalis dahil may binigay pa sya na additional sequence sa amin. 11 AM na ko nakakain ng breakfast. After that, tambay, antay.. Hindi rin ako makatulog dahil walang tutulugan. Dumating na yung mga make-up artist. Nagsisimula na silang magmake-up ng ibang models. Gusto kong matulog bago ako lagyan ng make-up. Dumating na si Aldous. Nag-ayos na ko bago matulog para pagkagising make-up na kagad. Kaso 30 mins lang yata ako nakatulog sa sasakyan ni Dous. Mahaba na ang pila sa mga make-up artist. 4pm... 5pm.. 6pm.. Di pa rin wala pa rin akong make-up and hair-do. Pagod na ko. Walang kain.. Bawal nang lumabas.

At last, time ko na para sa make-up. Mali ko din na sa knya pa ko nagpamake-up na alam kong pagod na sya. Sana yata sa iba na lang. Kaya ayun, nagmukha akong bakla. Kamusta naman. And after pa ng show ako nakakain ng lunch and dinner, that was 2 AM yata. Tama ba? Nagdecide na rin kami na sa office na lang matulog dahil bangenge na talaga ako. Haay.. grabeh..

Lessons learned:
  • Sa field na ganito, dapat marunong kang magmake-up sa sarili mo. Dapat alam mo kung ano ang dapat at hindi dapat ilagay sayo.
  • Piliting matulog para hindi mukhang haggard sa photos.
  • Kumain bago magbihis.
  • Magbaon ng pagkain at tubig.
  • Pilitin ang director nyo na maglagay ng portalet sa backstage.. Kung hindi mamamatay kayo!

2 Comments:

  • At 10:03 AM, Anonymous Anonymous said…

    hahaha!

    well, usually it's not that haggard. depends on the director at sa status mo bilang modelo.

    nakakatawa naman yung portalet sa backstage. i have never seen one otherwise stinky. tiis-tiis lang.

    Pag model ka din, whatever they put on u or make u wear, u have no right to change or request. Thats one mistake I made before. Kaya ka nga model ka, u should be able to carry even the most ridiculous attire or the scariest hairstyle/makeup that 90% of the population cant. U can retouch the makeup a little kasi mas kilala mo pa din mukha mo kaysa sa mga makeup artist that u just met.

    Pero tama ka, u should always have enuf rest and always drink water to avoid the dehydrated look that no amount of makeup can conceal.
    Don't starve urself too. Kaya magbaon.

    Dear, u look great sa pic! makapal tlg makeup sa fashion shows coz the lights are so frigging blinding. In fairness, carry mo naman *-*

     
  • At 11:06 AM, Blogger LJ Regalado said…

    Kahit hindi portalet basta CR. Kasi ang layo ng CR sa backstage. Bawal naman lumabas nang nakagown. Pano kung sunod-sunod yung sequence mo. Mamamatay ka na lang di ba?

    May point ka dun. Dapat nga marunong magdala yung model ng kahit anong ipasuot sa kanya -- make-up man o gown. Ang naging problema lang sakin, nagdepend ako masyado sa make-up artist since alam mo na hindi ako marunong magmake-up. Dapat pala before the event pinaglaruan ko na kung ano bagay sakin.

    Anyway, kahit gaano kaganda yung make-up kung dehydrated ka, bale wala din. Hindi kasi ako umiinom sa takot na mawiwi. :(

    Hindi ko alam kung may next time pa pero at least alam ko na sa susunod kung ano gagawin ko at nalaman ko na mahirap maging model at fashionable! hehehe!

    Thanks dear. Friend talaga kita.. hehehe! Busy ka ba? Pag may mga photo shoot gusto mo sumama? :p

     

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter