just me.. just elj...

just random thoughts...

Thursday, October 18, 2007

what's the meaning of my dream?

Napadaan daw ako sa bahay ng friend ko. Kaso yung bahay nila, nagiba. Nag-alala ako dun sa friend ko kung kamusta sya. Sabi nung mga tao, wala na daw sya. Nakita ko daw sa simbahan yung katawan nya. Sumilip ako, pero hindi ko alam kung sya yung nakita ko. Iba na kasi yung itsura parang namamaga. Sabi nung friend namin, ganun daw yung epekto ng nangyari/sakit sa kanya. Naaalala ko pa yung feeling sa panaginip kong yun. Naiyak ako. Nanghinayan. Naalala ko yung lugar na madalas naming pagkwentuhan. Naalala ko yung mga bagay na pinag-uusapan namin. Naaalala ko yung mga gusto nyang gawin. Kaya mas napahagulgol daw ako sa iyak. Nakita ko daw yung mom nya malapit kung san sya nakahiga and ako/kami ng friends nya yung sinisisi sa pagkawala nya. Hindi ko alam kung bakit. Ang naaalala ko lang sobrang umiiyak ako nung time na yun.

Hindi ko na matandaan yung sumunod. Nagising na yata ako.

Hindi ko pa nakikita yung friend ko hanggang ngayon. Tingin ko OK naman sya kasi nagttxt sya sakin. Yung bahay naman nila nakatayo pa. Pero everytime na naiisip ko yung friend ko, hindi ko maiwasan na maalala yung panaginip ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.. Kung ikaw, ano gagawin mo? :-S

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter