just me.. just elj...

just random thoughts...

Friday, September 28, 2007

Robinsons Movie World just ruined our day..

Few hours ago, Dous and I decided to watch Resident Evil: Extinction sa Robinsons Movie World, Metro East.

Siningil kami ng P220 (two-hundred twenty pesos). P110 (one-hundred ten pesos) DAW kse ang ticket each, pero ang nakalagay sa ticket P90 (ninety pesos) lang!

Ako: Sige, miss pwede bang pakibago na lang yung price and pakipirmahan na lang?
Cashier: Hindi po pwede. Ibibigay nyo din yung buong ticket sa guard.
Ako: Sige, pahingi na lang kami ng receipt.
Cashier: Eh Maam, wala po kaming receipt.

Ha? So walang silang binibigay na receipt?! Hindi ba dapat sa bawat transaction may receipt? Tsaka, di ba BAWAL yun? P90 yung ticket pero nagbabayad ang mga nanonood ng sine ng P110? Ganito ba sa lahat ng Robinsons Mall? Robinsons pa naman sila. Ano yun? yung ide-declare nila sa tax P90. Galing ah.. Bakit ibibigay ang buong ticket? Bakit walang receipt?

So, wala akong choice. Hindi ko rin naman pwedeng pigain yung cashier. Alam ko naman na order lang din ng management yun sa kanila. Pero sana alam nyang mali ang ginagawa nya. Sana, ayus ayusin nya ang pakikipag-usap sa mga customer nya. Nakakainis kasi parang hindi nya alam na required silang magbigay ng receipt.

Obviously, ang importante sakin, ang makakuha ng MATINONG resibo. At dapat lang naman talaga silang nagbibigay ng matinong resibo! Mali ba ko? Di ba sila lumalabag sa batas nyan?

Oh well, ano pa nga ba magagawa ko? Kayo na lang mag-judge. Kayo na lang mag-analyze. Kung gusto nyong itolerate yung mga ganitong bagay, sige manood kayo sa Robinsons. Pero kung matalino kayong tao hindi na kayo manonood sa ganung klaseng sinehan.

Syensya na. Nakakainis lang kasi. Abunado lang kse ng P20.. hahaha! Bente pesos din yun.. :p

2 Comments:

  • At 9:56 AM, Blogger michael said…

    pwede mo pigain yung cashier! :P ano ba problema di mo abot? hehe.. pabuhat ka kay aldous :P

     
  • At 9:59 AM, Blogger LJ Regalado said…

    hahaha! pwede rin.. sayang di ko naisip.. :D

     

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter