just me.. just elj...

just random thoughts...

Wednesday, November 21, 2007

Singapore Trip: Observations and research

1) Right hand side
Unang mapapasin kapag sumakay ng taxi from airport. Right hand drive ang mga sasakyan dun, meaning left side of the road ka magda-drive and ang signs nasa left din. Kahit sa paglalakad kailangan sa left-side din.

2) Escalatormrt station
Cool ang escalator nila dun. 'Pag walang nakasakay, mabagal. 'Pag loaded naman, mabilis. Mas mabilis pa sa escalator natin. High-tech di ba? Tsaka kung hindi ka nagmamadali kailangan magstay sa left side ng escalator. Yung right side para sa mga nagmamadali.

3) MRTmrt card
Mas maluwag, mas malinis at mas mukhang bago ang MRT station nila dun. Mas disiplinado ang tao, although may mga pasaway pa rin, mas marami pa rin yung matitino. Pinauuna nila yung lalabas bago sila pumasok. Yung upuan nila dun, dedicated lang para sa x number of people. Hindi pwedeng sumingit kahit na may nakikita ka pang space. Pag nagsiksikan kayo sa upuan, sisitahin kayo ng guard. Yun mga matatanda dun makikipag-unahan talaga sayo pumasok or umupo. Unlike dito sa pinas, mostly gentleman talaga ang mga guys. Ang MRT card nila mas maganda kesa dito sa pinas. Tsaka tina-tap hindi pinapasok. :)

hokkien prawn mee4) Food
Hindi kami masyadong kumain ni Aldous ng pagkain nila sa Singapore. Mostly fast food pa rin like McDo, KFC, etc. Killjoy noh? Mahal kasi ang food dun at natatakot kasi kaming masayang lang ang binili namin. Ayon nga naman kay Dous, pihikan daw kasi ako sa food. Hindi naman ah..:p Pero may mga natry din naman kaming iba dun. chili crabsYung Hokkien Prawn Mee, yun yung popular na pansit nila dun. Masarap sya. Yung siomai nila, mas masarap kasi may hipon. Yung Chili Crabs and Baby Kai Lan with Oyster Sauce the best. Sarap! For dessert, Chilled longgan with Jelly. Pero mas masarap pa rin ang Pinoy Food. :)

5) Fast Food
Mas masarap ang fast food sa pinas. baby kai lanHindi ako kumakain ng burger pero sabi ni Dous, mas masarap daw ang burger ng Burger King sa pinas. At mas career ang fries natin dito sa pinas! Wala rice sa Burger King! Sa KFC, wala rin. Ang gravy may bayad pa! Pero mas malaki ang servings nila dun. OK na rin panlaman ng tiyan.

6) Pork and Beef
Mahal ang baboy at baka. Mga 1/4 kilo nasa around SGD 3.00 na. burger kingKaya kung hindi kayo kumakain ng chicken and vegetable, mangangayayat kayo ng husto sa Singapore.

7) Selecta
Yung selecta ice cream natin dito, Wall's ang tawag nila dun. Wala lang. Bakit kaya?

8) Coffee Bar
And daming Coffee Bean and Tea Leaf na nakakalat, may Starbucks pero konti lang. Unlike, sa Makati bawat kanto may Starbucks. Ang Starbucks pa sa Singapore, walang coffee jelly. Haay...wall's

9) Water
Safe ang tubig nila dun. Hindi na kailangan i-filter or i-boil. Kahit direct from the faucet, OK lang.

10) Yosi at Alcohol
Mahal ang yosi at alcohol sa Singapore. Goodluck na lang sa mga addict sa sigarilyo at alak. Ang San Mig Light makikita lang sa bar. Sosyal di ba?

11) Vehicles
Mahal din ang kotse dun. Triple daw ng presyo sa pinas. Kamusta naman? Pero kung iisipin mo, tama lang. Maganda naman ang transportation system nila dun. Hindi nila kailangan magkotse. At tsaka para konti lang ang sasakyan. Kaya yun, nakakaloka kasi wala ngang trapik! Yung mga sasakyan dun parang bago lahat at parang walang mga gasgas at matibay. Hindi ko alam kung alaga talaga nila yung sasakyan o disiplinado talaga yung mga tao dun.

taxi12) Taxi
Ang babait nila Uncle! Uncle ang tawag sa mga taxi drivers nila dun. Tama magsukli at laging may metro, may receipt pa! Hindi uso dun ang mga nangongontrata ng pasahero. Pwede ka palang magbayad sa taxi via credit card. Cool di ba?

bus stop
13) Street Signs
Sagana sila sa street signs. Hindi ka mawawala. Bawat kanto may street name. Even yung mga bus stop may names din. May list din kung anong buses ang dumadaan at kung saan dadaan.

14) Bus Station
Pinag-isipan ang bus station nila dun. Ang pilahan nila dun, color-coded. Hindi ka mawawala sa pila.

bus station15) Hit and Run
Uso daw ang hit and run dun lalo na pag kasalanan ng tumatawid. May kaso lang pag may nagreklamo.

16) Malls
Wala namang kakaiba sa malls nila. Mas malaki lang ang mall sa pinas. Tsaka everytime lang na papasok ako sa mall nila, parang nakasanayan kong magpacheck ng bag! Walang checking ng bag sa mall nila!(Ano kaya reaction ng mga foreigner na pumasok ng mall natin?)

vivo city mall17) Tourist Guide
Accurate ang map nila AT may book sila ng bus stop. Kailan kaya magkakaganun sa pinas? Imposible yata at kung posible matagal PA! Kailangan muna sigurong itigil ng mga politiko ang pagpapalit ang street name AT sana umayos na ang transportation system dito sa pinas! Haay....

18) No Political Posters
Wala akong nakita kahit isa! Buti pa dun.

19) It's Clean
Sadyang malinis ang lugar nila dun. Nung una akala ko sa airport lang malinis (parang dito satin). Pero hindi, buong Singapore malinis. Wala ring kable ng kuryente sa daan kaya siguro mukhang malinis. Nasan kaya?

20) It's Green
Kahit na civilized na ang Singapore, marami pa ring puno kaya nakakarelax pa rin.

21) It's Safe
Iwan mong hindi naka-lock ang pinto mo, most of the time walang mawawala. Sabi nila, pag nagamit na daw ng ibang tao ang gamit nila, hindi na nila gagamitin yun. Bibili na lang sila ng bago. Sosyal!

22) Weather
Maulan na daw ng November and December. Nung dumating lang kami umulan ng malakas. Yung ibang araw ng stay namin, makulimlim lang. Kaya masaya ang paggala! :)

23) Sunrise and Sunset
Late lumubog at sumikat ang araw sa Singapore. Seven o'clock in the morning na nagigising si haring araw at seven din in the evening nagtatago. Kaya kahit 8pm na akala mo maaga pa rin kasi kalulubog lang araw.

24) Customs
Pagdating sa Singapore, ang default lane nila sa customs dun "Passengers nothing to declare". Sa pinas, "Passengers with goods to declare". Hm.. Bakit kaya?

1 Comments:

  • At 11:07 PM, Blogger sutekidg said…

    nice one.. inspired akong gumawa nang mamimiss ko sa Japan.. haha =P pero next time na lang..

     

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter