just me.. just elj...

just random thoughts...

Sunday, October 12, 2008

Nakakalungkot Mag-isa

Dati parang naiisip ko mas OK siguro na bumukod para walang nangingialam sayo. Walang nagagalit. Kahit ano pwedeng gawin. Mag-isa ka lang.

Ngayon hindi ko man gustong bumukod pero parang ganun na ang nangyayari at hindi ako masaya.

Halos apat na taon na noong nag-asawa si kuya. Bago pa man nangyari yun, nalulungkot na ko kasi syempre alam mo yung pakiramdam na may aalis sa bahay nyo. Actually umiyak nga yata ako nung time na yun. Bumukod sila pero bumalik din naman.

After 2 years, kinasal ang ate ko. Last year yun. Nung wedding, siyempre kapatid, gumawa ako ng eksena sa reception nya. Hindi ko inaasahan na mangyayari yun. Ni hindi ko pinaghandaan. Wala akong script. Nangyari na lang. Of course, malulungkot ako. Kahit pa sabihin nila na "hindi ako nawalan ng kapatid pero I gained a brother", pero kung malayo naman sya para sakin parang ganun lang din yun. At ganun na nga ang nangyari, sa Makati na sya umuuwi at paminsan-minsan dumadalaw sila.

Ngayon, aalis na naman si Kuya. Nakakuha na sya ng bahay at syempre aanhin nya naman yun kung hindi nya titirahan.

Nakakalungkot kasi pag tuluyan nang umalis sila Kuya kami kami na lang nila Mama ang nasa bahay. Pag umaalis pa sila wala akong dinadatnan. Mas nakakalungkot tuloy.

Goodluck sa'kin. Iniwan na ko ng mga kapatid ko. Iniwan na rin ako ng pamangkin ko. Madalang ko nang maririnig yung tawag nya saking "Tita Joy", madalang ko nang mararamdaman yung nangungulit sakin at nanggigising sakin sa umaga. :(

Haay.. Nakakainis. Ang panget ng feeling. Nakakalungkot mag-isa.

2 Comments:

  • At 10:56 AM, Blogger Jofell Gallardo said…

    In fairness mukha ka lang napuwing dun sa picture. Wow-poise ika nga.

    Seriously, hindi ka naman mag-iisa eh. Anjan si Aldous at si Terence (parang salawahan yung dating ah...), at kahit wala na ako sa Pikitchen, andyan lang ako in spirit... nagpaparamdam ba. Parang ganito.

    Hehe. Ika nga ng isang nabasa ko (at ipa-paraphrase ko ah) "There's no one left alone for those who have a whole heart."

    Belated Happy Birthday lola! (Though alam ko nabati na kita)

     
  • At 11:55 AM, Blogger LJ Regalado said…

    uy, jopes.. salamat.. ganda ng comment mo..:) yeah i agree..

    "There's no one left alone for those who have a whole heart."

    technically, hindi naman talaga ako naiwan mag-isa. Yung mga pinakagusto mo lang makasama, hindi mo lang makasama. kaya feeling iniwanan.. :(

    Paexperience naman ng sweldo! hahaha!

     

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter