just me.. just elj...

just random thoughts...

Saturday, October 30, 2010

San Ako Lulugar?

Dito sa Singapore kailangan matuto makisama sa mga kasama mo sa bahay. You have to know the rules and you have to be sensitive enough to others. Stop here if you don't agree with me.

As her friend, I say everything directly kapag may napansin ako:
Kapag naiwan ung heater na bukas, kapag maraming buhok sa CR, kapag after maligo naiiwan yung pail na puro sabon, kapag hindi nalinis yung pan overnight, kapag maingay na nakakaistorbo ng ibang tao pati ng kapitbahay, lalo na kapag magpaalam muna bago kumuha ng gamit iba. I don't accuse. Nagsasabi lang ako ng derecho pero iba ang dating sa kanya. Anyway, kung yun ang pananaw nya siguro nga, kc we didn't have the same problem nung wala pa sya.

May mga bagay din naman na hindi ko na sinasabi and hinihintay kong sya ang makapansin:
Kung may sakit sana maging considerate naman pag nag-sneeze para hindi kami mahawa (lalo na hindi simple ang sakit nya) or gumamit man lang ng serving spoon. And ibalik nya man lang ung mga hiniram na gamit ng iba.

Those are the things na I know I have to tell her kasi pwede pang mabago or pwede pang maiprove. Hindi mataas ang standards ko. Those are just basics. Those are the things na hindi na kailangan pang sabihin pero sinusubukan kong ipaalala sa kanya. Hindi pwedeng wala syang pakialam at lalo na't  may naaabalang iba.

Hindi ko naman sinabi na:
Maglinis ka, uupo lang kami. Or hindi ka pwede manood ng TV, may pinapanood kami. Or hindi ka pwedeng magsalita, masyadong maingay. Hindi ka pwede magganito, kami pwede.
Ginagawa din namin kung ano ang rules sa loob ng bahay. Hindi sya kawawa kasi pare-pareho lang kami ng mga bawal gawin.

And remember to give credits to those:
Who really clean and who are considerate enough.

Given the things above, ano gagawin mo kung sabihin sayo na, "alam ko careless ako.. sorry.. HINDI ako aware na nakasira ako.."?! HINDI SYA AWARE? Dalawa lang yun e, bata pa sya or hindi nag-iisip. Paanong hindi nya alam na nakasunog sya ng kabayo?! Hindi ko talaga maintindihan. Ganun na ba talaga sya walang pakialam na hindi nya alam na nakakasira sya? Nakakalungkot talaga.

Pero wala. Magalit ako or sumigaw ako, hindi na rin naman maaayos yung nasira. Hindi naman pwedeng ipagwalang-bahala kasi hindi naman talaga OK yung nangyari. Nasaktan ako e, naabala kami. Tao rin naman ako, may karapatan ring magtampo.

Pangalawa, kaya nga ako nagpapaalala di ba, para maiwasan. But she doesn't like it. Tapos sasabihin nyang hindi sya aware? Kelan sya aware? Kailan ko dapat sya paalalahanan? Ayaw nyang ginagawa syang bata. Ayaw nyang pinagsasabihan sya. Paano magiging maayos ang loob ng bahay kung ayaw masabihan? kung lagi na lang iba ang dating sa knya? Nasasaktan ako. Hindi ko talaga matanggap. Kung simpleng bagay nga lang ayaw nya na sinasabihan, pano pa kaya yung mas malalaking bagay?

San ako lulugar sa kanya?

Nagkulong ako. Nanahimik ako. Inintindi ko. Hinayaan ko makalimutan ang lahat. Hinayaan kong gumaan muna ang loob ko. Hindi ko kc kayang makipagplastikan. Na kahit naiinis ako, kinakusap ko pa rin? Hindi ako ganun. Ayoko din makapagbitaw ng salita na makakasakit sa kanya, given pa kung gaano sya ka-sensitive. Knowing myself, hindi healthy na makipag-usap ako ng galit.

It's just sad na, kahit ang pananahimik ko, iba pa rin ang dating. May iba pa ring meaning. Wala na kong magagawa dun. Again, yun sya. May magagawa ba ko? Sinubukan ko nang magsalita, sinubukan ko nang manahimik. Pero wala, lahat hindi pwede sa knya. Anong gagawin ko?

Knowing her, malalaman nya lang na mali sya pag may nangyari ng hindi maganda. Sad, pero unaware sya.  Sana sa susunod, isipin nya muna kung ano yung mga gagawin nya at kung ano pwedeng mangyari kahit yung mga simpleng bagay para maiwasang na hindi maganda. Sino ba naman may gusto ng ganun di ba? Sana may natutunan sya.

Ayoko na sana magsalita. Pero eto lang yung way ko para idefend ang sarili ko. One day, mababasa din nila 'to. Siguro nga nagkamali din ako pero hindi ko ugaling manakit ng tao. We can't have everything. We can't please everybody. Minsan kailangang mag-sacrifice para maging maayos yung iba. We have to choose what is right.

Yun lang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter