just me.. just elj...

just random thoughts...

Monday, November 17, 2008

Christmas Tree

Five or six years ago, si kuya kaka-graduate lang ng college at nakahanap na rin kagad ng work. Si ate, nasa college pa sa UP at working student sa Shakey's Katipunan. Ako, second year sa same school at nagpa part-time sa isang maliit na job company as telemarketer.

That time, maliit lang christmas tree namin, two feet lang or wala pa yata sa two. Nagplano si kuya na bumili christmas tree since mga baby pa kami yung gamit naming yun. Ambag ambag daw. Payag naman kami. Hindi ko na matandaan magkano shinare ko.

Syempre pagkauwi sa bahay, excited kami sa pagtatayo. Bago e! Tsaka syempre malaki yung christmas tree. Nabuhayan ang buong bahay.

Ang nakakatuwa lang, bumibili kami ng gifts para sa mga members ng family na hindi naman namin usually ginagawa dati. Well, siguro it's the feeling na parang ang panget ng christmas tree ng walang gifts sa ilalim. Kaya yun, simula nun, may exchange gifts na kami every christmas.

Yehey! Exchange gift na naman..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter