just me.. just elj...

just random thoughts...

Sunday, August 20, 2006

Boracay Escapade...


Three days two nights, parang ang haba pero hindi. Pagdating ng ikatlong araw, siguradong sasabihin mo ang "Ang bilis, uwian na agad..", sabay simangot at buntong hininga..

Day 1: Aug 12, Saturday

7am ang meeting place namin sa Domestic Airport. But the usual ako nanaman ang pasaway. 6:15 na yata ako umalis ng bahay. Buti na lang medyo mabilis ang biyahe at mga 7:30 nasa airport na kami ni Aldous. Siyempre hindi na naman ako nakatakas sa pang-aalaska na pasaway nanaman ako. Anyway, few minutes after we got there in the airport, sabi delayed flight daw kami. Dapat kasi 7:55 ang flight namin, tama ba? :D pero 11:30 na kami nakaalis. First time ko sumakay ng airplane. Dati rati, tinuturo turo ko lang yun tapos sabay sigaw ng "Babye! Babye Uncle! (Tito ko na dati'y nasa ibang bansa)". Nakakakaba na nakakaexcite naman ang pagsakay sa eroplano. Nakakaenjoy kasi yung dating nakikita ko lang sa Google Earth, nakikita ko na ng actual. Nakita ko yung top view ng Maynila. Kaso maulap kasi kaya hindi ko maiging nakita yung buong Maynila.

Around 1pm, nasa Kalibo na kami. First time lang din namin sa airport kaya hindi namin alam kung san pupunta pagkababa namin ng eroplano kaya sumunod na lang kami sa ibang pasahero. Buti at may white board na iwinawagayway sa hangin (yung parang palabas sa sine dun nga lang ay black board. High tech na ngayon kaya white board na) na may nakasulat Stephanie de Guzman, Red Coconut. Sinundan namin kung nasan yung white board at dun nakita namin ang iba pa naming kasamahan. Tinulungan kami ng mga lalaki dun sa pagdadala ng mga mabibigat naming mga bag papunta sa van na magdadala samin sa Caticlan. Pagsakay namin, sabi nung isang lalaki, "Ma'am, tip po supporter" (tip sa porter). Tip? Kala ko mababait lang talaga sila, may bayad pala. Isa't kalahating oras pa bago makarating sa Catiklan tapos sasakay pa ng tricycle para makarating sa Red Coconut.

3pm nasa Red Coconut na kami. Nakakapagod din ang biyahe. Nagpahinga muna kami ng konti bago magligo sa dagat. Mahangin. Malamig. Hindi ko kakayanin ang lamig sa dagat. Kaya sa tabing dagat na lang ako nag stay.

7pm nasa Paradiso Grill na kami para kumain ng dinner. Paluto ang napagtripan. Hipon! My Favorite! Hindi dapat mawala yun. Kahit medyo mahal, OK lang. Minsan lang naman. Spoil ko na rin sarili ko. Idagdag mo pa ang mango shake. Yum!

Pagkatapos kumain, naglakad-lakad kami, picture dun picture dito. Pagbalik sa hotel. Sleeping time na. Medyo mahaba din ang nilakad namin.

Day 2: Aug 13, Sunday

Kelangan gumising ng maaga. 7am to 10am lang kasi ang breakfast. Medyo mahirap para sa akin yun, kasi ang usual na gising ko everyday is 12pm. Buti na lang andyan si Steph para manggising samin. Bacon, Egg, Corned beef and fried rice. Masyado akong natakam. Hindi din kasi ako usual na nakakapagbreakfast kc nga late na ko bumabangon. Mapadami yata ang kuha ng pagkain. Kaya kahit hindi kami ang huling dumating sa resto, ako pa rin ang huling kumain. Pasaway talaga noh?

Lakad daw ulit ang next. Papuntang station 1 naman ngaun. Mataas pa ang tubig. Ang lakas ng hangin, ang lakas ng alon. Ang lamig! Pero kahit ganun, bumili pa rin kami ng shake sa Station 1, what was the store Steph? Of course, mango shake pa rin. Sarap for P66.

Balik kami sa hotel. Bihis para maligo. Swimming pool muna. Ang lamig ng tubig kaya kailangan dahan dahan ako lumubog sa tubig. Manginginig ako sa lamig and baka magkasakit ako pag binigla ko. Patay ako sa mga magulang ko

Lunch na kagad. Hehehe.. Ikot kami. Hanap ng makakainan. Bora Sea Food Resto naman ngayon. May prawn? Ok. 100 grams po nun. :D hehehe.. Busog. Tambay muna kami sa tabing dagat para magpicture picture ulit. Jump shot naman ang napagtripan. Hehehe! Ang saya. Talon doon. Shot! Talon dito! Shot ulit. Hehehe.. walang sawa.

Hapon na. Swimming na ulit sa beach. Medyo may lakas na ko ng loob lumusong sa tubig. Kelangan na kasi kinabukasan uwian na. Hindi na ko makakaligo sa beach. Langoy! Kaso nadadala na lang ako ng alon. Ang lakas. After few minutes, dumilim ang kalangitan. Mala-Armagedon ito. Lumakas ang hangin, ang ulan. Ang lamig. Kaya nagdecide na lang kami bumalik sa hotel, para di kami mabasa (?!). Jump shot ulit sa ulan. Hahahaha! Multi-burst naman. Hehehehe. Tinaymer namin yung camera and sinet namin every 10 seconds magsa-shot. Pwesto.. Pose! Takbo.. Pose! Talon.. Pose! Takbo ulit.. Pose! Hehehe.. Ang saya.

After namin magpalit ng damit, dinner na kagad. Ang bilis ng oras. Sa Red Coconut na lang kami nagdinner, umuulan kasi. Hindi namin masyado trip ni Aldous ang mga ulam sa Red Coconut Resto, kaya chopseuy na lang tapos banana split na lang for dessert.

Day 3: Aug 14, Monday

Pagkatapos naming kumain ng breakfast, panonood na lang ng TV ang nagawa ko. Then pack-up na. Haay.. ang bilis. 12pm, check-out sa hotel. Then pagkadating namin sa Caticlan, delayed nanaman ang trip. 4:30 na kami nakasakay ng eroplano. Ba-bye Boracay...

Well, Ok lang yun. At least nakapagpahinga ang utak ko for few days. Ang saya! Sa uulitin!!!


This album is powered by BubbleShare - Add to my blog

More photos:
Rainsteph's Stormy Boracay Meets Penarmac

8 Comments:

  • At 10:40 AM, Blogger sutekidg said…

    Jonas Milk Shake :D

     
  • At 3:12 PM, Blogger LJ Regalado said…

    ah.. onga.. may short term memory loss kc ako..

     
  • At 5:57 PM, Blogger sutekidg said…

    hahaha.. short term memory na nga memory loss pa...

     
  • At 6:01 PM, Blogger LJ Regalado said…

    mali ba? :D

     
  • At 6:12 PM, Blogger Alec Macatangay said…

    talagang hindi *mo* maiiwasan ang pangaalaska na pasaway dahil [ insert punchline here ]..

    anyway, mauulit ang bora kapag may promo uli ang cebu pacific. :D

     
  • At 6:20 PM, Blogger LJ Regalado said…

    onga e.. sana magpromo sila ulit.. sobrang mahal kasi pamasahe pag plane.. Unless, gusto nyo ng bagong adventure like barko naman ang sakyan natin puntang bora.. not bad db? bagong experience.. :)

     
  • At 9:22 PM, Blogger Aldous Penaranda said…

    Mahaba-habang leave yun...

     
  • At 8:53 PM, Blogger sutekidg said…

    or mag sea-air? hahahaha..

     

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter