just me.. just elj...

just random thoughts...

Tuesday, August 01, 2006

Don't know what to feel

Last Sunday a friend came to our house. She was asking to make a video for her hubby. While we were busy looking for a song, I ask her some question about her. About her mom, her dad, her baby... All about her.

Hindi tulad ko, hindi tulad ng isang maswerteng anak na may nakalakihang ina. She grew up with her dad and step-mom but she left their house because of "step-mom-step-daughter" issue. Blah.. Blah.. Blah..

Kung ico-compare ko ang buhay ko sa kanya. Masasabi kong mas maswerte ako. Lumaki akong may nanay. May nag-guide sakin hanggang nagkaulirat ako. Nagsasabi sakin ng tama o mali. May nagpaaral sakin hanggang makatapos ako ng pag-aaral. May trabaho ako at kumikita ng pera.

Nakakalungkot. Gustuhin nya o gustuhin ko man na maranasan nya ang nararanasan ko ngayon pero medyo mahirap na. Alam ko na hindi nya ginusto lahat na masamang nangyari sa kanya. Ang mas malungkot pa dun, wala siyang magawa para mangyari ang lahat ng yun.

Nalaman ko din na ang video na ginagawa ko ay para sa December pa. Hinahanda niya para sa 3rd anniversary nila ng hubby niya. Gusto niya rin daw sana aside sa video mabigyan nya din ng espesiyal na pagkain ang asawa niya. She told me, it costs 14 pesos each (the food she wants to give her hubby). "Sana mapag-ipunan ko yun. Kasi pamasahe pa lang mahal na", she added with hope in her eyes.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung time na yun. Parang naawa ako. Parang kinurot at puso ko. Parang sinampal ako. Gusto kong bigyan na lang siya ng pera at sabihin "Eto o, ipangbili mo". Hindi ko alam pero parang may pumipigil sakin na gawin yun. Gusto kong maawa pero alam kong hindi yun ang tama. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung pano.

Kapag naiisip ko yun, hindi ko alam kung dapat maramdaman ko. Siya, hirap siya kapag-ipon ng pera na siguro 200 pesos para sa pagkain. And to think sa may katipunan lang yun, na may 20 pesos na pamasahe. Ibig sabihin, kahit 20 pesos hirap siyang magproduce.

Pero alam niyo dahil dun hinahangaan ko siya. Kapus man siya sa pera, masaya niyang pinaghahandaan at pinag-iipunan ang isang espesiyal na araw.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano gusto kong sabihin sa post na to. Basta ang alam ko habang isinusulat ko ang post na to, malungkot ako na sa kabilang banda habang inaalala ang usapan naming iyon, natouch ako...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter