On your Birthday...

Elementary Life
Grade 2 ako nung una ko siyang nakilala. Nagiging officer siya ng class namin. hm.. *thinking* isa ka rin ba sa mga napapag-utusan na maglista ng Noisy and Standing (haha! top one ako dyan!). Hindi kami close nun kasi malayo ang upuan ko sa kanya. Cruz kasi ang surname nya, nasa row 1.


High School Life
Nang maghighschool kami, nakapasok kami sa iisang school ulit. Nagkaroon kami ng bagong friends, classmates, schoolmates, teachers, etc. First and second year, may mga sari-sarili kaming mga buhay. Pero nung nag third and forth year high school na kami, wala kaming choice kundi ang maging magclassmate ulit. Dahil sa pare-pareho kami ng daan at sasakyan pauwi, kami ang magkakasabay after ng class. Hanggang sa field trips kami pa rin ang magkakasama. Usapang silay, usapang A.C., usapang assignment, usapang buhay-buhay, walk-out, usapang projects, cake, icing, cookies, brownies, ulam at kung ano-ano pa ang pinapag-usapan namin. Nakakausap ko about secrets, kadramahan sa buhay, mga kalokohan, mga walang sense na topic (may madaldal lang ako, hanggang sa mainis siya, ayun, hindi niya na ko papansinin. hehehe.). Dati kapag wala kaming ginagawa, isa siya sa mga nag-aaral maggitara tapos sabay kakanta kaming lahat (not-to-mention ulit magaling kumanta yan!). Buhay namin nung high school. Masaya. Nakakamiss. Ang problema lang yata namin noon, yung masasakyang namin pa-Montalban ("Kondoktor: Parang! Parang! Kami: Montalban po?". hahahaha! nantatandaan mo ba yun?).

College Life
Hanggang sa magcollege kami. Matagal kaming hindi nakakapag-usap. Mawalan man kami ng telepono, OK lang. Halos likod lang naman ng bahay namin ang bahay nila, madaling puntahan. Nagbababad kami sa telepono minsan kapag pareho kaming may oras. Hanggang sa magdebut ang isa, magbirthday ang isa, mawala ang isa naming classmate na sa kanya ko pa rin nabalitaan............................
The Message
Anyway, marami nang nangyari, Aiz -- magaganda o hindi maganda sa sari-sarili nating buhay. Andito man kami sa tabi mo o wala but still dapat nakatayo pa rin tayo. Walang mag-gigive up. Basta wag ka lang makakalimot. Kailangan ng tulong? Lalo na ngayon na we're getting older, mas

1 Comments:
At 3:26 PM,
Unknown said…
Grabe..dame na ngyari sa buhay naten,, 2006 nagawa tong blog na to, 2010 na nung nabasa ko. But anyway, this made me smile, really..
I learned na ang mga totoong kaibigan, parang "hangin" lang yan..D mo man makita, anjan lang sila, mararamdaman mo.. I'm happy to have a "true friend" in you LILY JOY REGALADO. At dahil "true friends" tayo, d na ko mawawala sa buhay mo., hahaha. Dumating man ang araw na d na tyo magkita, magkalayo man tayo, magkaroon ng sari-sariling pamilya, andito parin si AIZZA CRUZ para sayo.
Parang highschool lang "FRIENDS FOREVER".. :-)
Post a Comment
<< Home