just me.. just elj...

just random thoughts...

Thursday, July 30, 2009

An Open Letter for My Housemates

Hello!

Salamat pala guys, kagabi. Salamat Darlene and Vince sa masarap nyong spag, at dahil dun e may baon ako.. hahaha! Nag-enjoy ako kagabi kahit naubusan ako ng energy (nde ba halata? :D)

Pareho kaming nadedepress ni Dous pagdating ng 6pm or basta naiisip na uuwi na naman kami. Mabigat sa pakiramdam. Si Dous sumasakit daw ang batok.. :( Sana hindi naman high blood. Ang hirap naman na hindi isipin. Kahit na yung pampalipas oras ni Dous na WoW, hindi na effective (kahit WoW wala nang silbi, eh halos ipagpalit na ko ni Dous dun? hahaha! joke lang Dous :p). Hindi na rin kami makakain ng maayos. Hindi naman namin magawang i-comfort yung isa't isa. Pareho kaming tamad na kumilos. Pareho kaming parang laging malalim ang iniisip. Late na nakakatulog, late na nagigising. Ang lungkot di ba? Hindi na healthy.

Hindi namin nakasanayan yung ganung klaseng environment kaya medyo nahihirapan kaming mag-adjust. Buti nga kagabi may dinner tayo, maganda yung pakiramdam namin ni Dous, mas maluwag na. Tsaka kahit kaninang umaga na nasa bus ako, nangingiti pa rin ako sa mga kulitan kagabi. Hehehe! Nung mga nakaraan kasi lagi na lang akong lutang.

Ayun, lang po. Buti na lang po nandyan kayo. Salamat. Sobrang malaking bagay samin ni Dous yun. Alam nyo naman na sa taong depress, kahit anong maliit na bagay na nakapagpasaya sa tao naaappreciate e. Kaya yun, thanks po ulit.

O sya, work mode na ko.. :p
@Darlene, pagaling ka po. Wag abusuhin ang katawan, hindi tama yun. Sana makauwi ako ng maaga para makagawa ako ng tinola..

Babush.. See yah later!

LJ Regalado

1 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter