just me.. just elj...

just random thoughts...

Monday, October 23, 2006

The Family and the Company

Three days straight ang pinakamahabang stay ko sa office. Dahil sa hindi siya corporate style na company, ang parents ko windang.. Bakit naman daw ganun? Baka hindi na daw ako kumakain ng maayos, or natutulog ng maayos.. Sabi nila may opening daw sa PLDT, mag-apply daw ako. Tahimik lang ako. Sabi ni papa, "Wala ka bang planong magUS?". Sagot ko, hindi pa po ngayon.

Sa loob ko, kasi masaya pa po ako sa trabaho ko ngayon. Sa susunod na lang. Gustuhin ko man o hindi, darating din naman din kc ang araw na mapipilitan akong magtrabaho, yung nagtatrabaho ako dahil sa pera na lang. Pero hangga't single ako, magpapakasaya na muna siguro ako. Minsan lang naman darating sa buhay ko to. Well, kung makahanap ako ng mas masaya pa dito, edi OK, pero saka ko na iisipin yun. Yung ngayon muna ang iisipin ko.

Ayoko na muna magUS or mangibang bansa. Mamamatay lang ako sa lungkot dun. Sa Makati nga lang, ilang araw akong hindi makauwi naho-homesick na ko. Saka na lang siguro pag kailangang kailangan talaga at siguro pag may kasama ko "hubby" ko or kasama ko mga kaibigan ko.

Nagpapasalamat ako dahil kahit "kakaiba" ang work ko ngayon, naiintindihan pa rin ng parents ko. Ever since college ako, kahit ano pinagpupuyatan ko, kaya siguro hindi na bago sa kanila na kahit sa work ko, puyat at pagod binabale wala ko pa rin. Sila na rin kc ang nagsabi sakin na pahalagahan ang trabaho. Na sa trabaho dapat ganito, dapat ganyan... Alam ko din naman kc na nararamdaman nila na masaya ako kaya OK na rin sila.

Ang nanay ko nanggaling sa mahirap na pamilya pero dahil sa pagsusumikap nilang mag-asawa nakaahon sila. Pero may mas mataas pa rin silang mga pangarap. Di bale, sabi ni T may share naman daw ako sa company. Konting tiis na lang, mangyayari rin ang lahat....

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter