just me.. just elj...

just random thoughts...

Sunday, November 05, 2006

Oct. 26, 2006. Ice' 4th Anniversary

Nagpunta kami sa Ice, Thursday. Free drinks daw kasi, from 6pm to 9pm. Nagpunta na rin kami kahit na hindi ako umiinom. Wala lang, pretty-girl-hunting and para maexperience ko rin kahit minsan kung ano yung meron sa bar.

Nabigyan ako ng isang glass ng drink na hindi ko alam ang pangalan. Alak sya. Hm.. hindi ko sya naubos. Siguro, one-tenth lang ang nainom ko. Si Aldous na umubos. Nanghingi na lang ako ng iced tea, mas masarap pa yun. Naka-three or four glasses ng iced tea yata ako.. hehehe.. sarap eh..

Wala akong makitang magandang girls. Isa lang yung pumasa sa taste ko, yung girl nainivite ng Ice para maging "model". Hm.. Nagpunta din yung mga nanalo sa Ms. Earth. OK lang, tama lang yung ganda nila.

Inom. Inom. Kain ng toasted bread. Inom. Kain ng Nachos. Inom.

May sumisigaw na sa likod namin. May tumayo na sa table at nagsayaw. Hm..

Inom. Kain. Inom.

Nabobore na ko. Ano ba masaya dito? Yung alak? Wala naman akong makitang magandang girls.. Ni guwapong boys, wala akong makita..

11:30 na rin. Kailangan ko na ring umuwi. May kailangan pa din akong ipush sa Eskwela. Dahil sa hindi na rin ako nag-eenjoy, umalis na ko. Naiwan pa si Aldous.

Kinabukasan, sabi ni Aldous may nakipagkilala daw sa kanya. Nanghingi ng number niya. Babae.. Binigay naman niya.. Selos ako.. :-S

Arghh.. Tama bang nagpunta pa kami dun? Kaya pala tinatamad akong magpunta sa Ice nung time na yun.


Ice GB3

Aldous, LJ, G and Jolo

Ross, T and G

pretty girls from Ice

Ms. Earth

What does a bar look like

Ross, Jolo and T

Nachos. Yum!

G and Jolo

Want some Iced tea?

Hindi ko maisip kung bakit yung mga tao gustong gustong uminom. Ano ba masarap sa alak? Sasakit lang ang ulo mo kinabukasan. Ang mahal mahal pa..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
free web site hit counter