Movie Review: Cloverfield
Naalala ko yung lumindol recently lang (around 10 or 11am yata yun). Natutulog pa kaming lahat sa office. Akala ko nananaginip lang ako. Sumigaw na lang yung isang officemate namin na kailangan naming bumaba. Bumangon na kami kagad. Hindi pa rin tumitigil ang lindol. Binuhat ko na lang basta yung bag ko kahit na di ko sigurado kung nandun yung mga importanteng gamit ko. In fairness, nailock pa yung unit namin. Hahaha! Nakakatawa di ba? Iniisip pa naming mananakawan kami. Anyway, marami na ring lumalabas galing sa ibang units. Tumigil na ang lindol. Marami na ring nasa ground floor. Nakakapagtaka lang na walang tao sa labas ng ibang building. Oh anyway....
Why am I writing about this now?
Ang galing kasi ng movie. Parang nakarelate ako. Although wala sa kalingkingan ang nangyari samin sa movie na 'to (kung totoo man yung movie na to) naramdaman ko yung eksena dahil "parang" nangyari na sakin to -- yung pagmamadali, yung feeling, yung mga sinasabi ng mga tao sa paligid, yung pag-aalala, yung takot, yung iba pang emotions, yung pagkaparanoid, etc.
Marami nang eksenang ganito sa ibang movies -- may sasabog, mapuputulan ng ulo c liberty, may masasaktan, may tatakbo, may sasabog, ganito, ganyan, yadah, yadah. Common na yun sa movie na may monster di ba? I think naiba lang ang Cloverfield sa kung pano nila naideliver yung every scene sa audience. Ang galing ng concept. The idea of using a hand held camera makes is really move effectve.
(I wonder lang kung anong video camera ang gamit nila. Ang lakas sa battery eh. Waterproof and Shockproof pa. Hehehe!)
I know there's something special about the movie. Kasi may after shock e. Meaning, after ng movie pag-uusapan nyo pa ng ilang minuto, or iba-blog mo, or even magrereasearch pa about it like kung bakit Cloverfield ang title. Ilang oras pa ang dadaan bago makalimutan yung bawat scenes. Hindi tulad ng ibang palabas na parang wala lang.
Ang ayoko lang sa movie parang walang ending. Parang bitin. Sabi nga ng nasa likod namin, "Nahilo lang ako". Parang walang bida. Walang super hero. Parang wala lang. Sabagay siguro isa na rin yun sa pinagkaiba nya sa ibang movies -- makatotohanan (except for the monster thing).