just me.. just elj...

just random thoughts...

Monday, May 22, 2006

Baguio


Nagpunta kami ng Baguio almost a month ago na. That was April 28 - May 1. Originally, si Rjay and Steph lang ang pupunta, nakisali lang kami ni Dous. April 28 ng gabi nasa terminal na kami ng Victory Bus puntang Baguio. Medyo nadelay nga lang ng konti kc yung target time na alis namin eh hindi nangyari. Naiwan kami ng bus. Pero OK lang, at least that time nagkaron kami ng time para magbrainstorming regarding sa business.


11:45 na! Alis na ang bus. Mahaba habang biyahe to. We arrived around 7 in the morning. Sarap matulog sa biyahe. Lamig. Tsaka kakantok kasi. hehehehe! Pagdating namin sa bahay na pag-istayan namin, natulog ulit kami. :D mag-11am na yata nung umalis kami para maglunch sa SM Baguio, Tia Maria's ang napagtripan. The food was good. Next place namin sa Botanical Garden, then we went to Wright park, The Mansion, Mines View Park, sa bilihan ng Ube Jam and sa market para bumili ng pang-dinner namin. Pagkauwi, gusto ko sana matulog na ulit (kc medyo nakakapagod yung nilakad namin) pero hindi pwede kc kelangan magdinner na muna.


Kinabukasan sa church naman kami, kaso hindi kami umabot sa misa. Then Burham Park naman para maglunch, nagbaon na kami ng food. Hindi ko alam pero mas nag-eenjoy ako pag nagppicnic compared sa kumain sa resto. Anyway.... after that punta sana kami sa Camp John Hay kaso umaambon. So we decided na mamalengke na lang ulit para sa pasalubong and pagkain namin sa dinner and kinabukasan. Pagkauwi parang pagod pa rin ako. Nakatulog na rin ako after namin kumain kelangan din kcng bumangon ng maaga kinabukasan para sa biyahe pauwing Manila. Kinabukasan, maaga aga din kami nagising, improving. Hehehe! Biyahe na pauwi. Haay.. Ba-bye Baguio. Around 1pm na rin kami nakarating sa Manila and around 5pm na rin ako nakauwi sa bahay.


Hm.. Ang bilis. Parang kararating lang namin ng Baguio tapos uwian na agad. Pero ayos na rin yun, almost 3 days ko rin hindi inisip ang trabaho, nakapagpahinga din ang utak ko kahit konte. And in fairness naenjoy ko ang Baguio trip. Thanks to Rjay and Steph!

Next vacation spot: Boracay!!!

Check the complete photos at Rainsteph's Multiply Photos

Monday, May 15, 2006

http://onlinemall.com.ph

we have job crawlers!
searching 6,819 jobs
from thousands of job boards, classifieds, and company sites

sweet :">

just got a sweet message on my laptop. :">

Thursday, May 11, 2006

Moving on.. Especially, Most Probably, Hopefully

Moving on is never easy. Especially, kung naging dedicated ka. Especially, kung ang iiwan mo ay yung mga taong nagpapasaya sa araw mo, ang mga taong nagturo sayo humalakhak, ang mga taong tumutulong sayo na limutin ang problema. Especially, kung ang kapalit ay ang isang hindi siguradong patutunguhan.

Goodbye doesn't mean I'll forget about you. But it's a THANK YOU. Because of you guys I will never reach this high. Sana masaya kayo para sakin.

Most probably mamimiss ko yung computer ko. Most probably mamimiss ko yung aura ng lugar. Most probably mamimiss ko yung mga pagkain. Most probably mamimiss ko yung tuksuhan. Most probably mamimiss ko yung asaran. Most probably mamimiss ko yung mga green jokes. Most probably mamimiss ko yung saya na naranasan ko. Most probably mamimiss ko yung mga taong naging malapit sa akin. And most probably matagal ko ulit mararanasan to kasama kayo.

I will miss you guys. Hopefully, when we see each other again, ganun pa rin tayo kasaya, ganun pa rin tayo kakukulit. Sana the memories stay forever. Sana di nyo po ako makalimutan and yung kakulitan ko.

'Til next time.

Wednesday, May 10, 2006

Tao of Programming

from: http://www.canonical.org/~kragen/tao-of-programming.html

Why are programmers non-productive?
Because their time is wasted in meetings.

Why are programmers rebellious?
Because the management interferes too much.

Why are the programmers resigning one by one?
Because they are burnt out.

Having worked for poor management, they no longer value their jobs.

-------------

I agree...


 
free web site hit counter