February this year, nagblog ako kung ano
plans ko for 2006. Kaso wala naman natupad kahit ano. Haay.. ang hirap ng may sahod na hindi sapat sa taas ng pangarap, noh? Ang sarap mangarap kaso mas masarap kung natutupad.
Speaking of which, ang dami kong (hindi naman pangarap, could be a wish but) nice-to-have things na either hindi ko mabili kasi nanghihinayang ako sa pera kc hindi naman ganun kaimportante or masyadong mahal, walang enough na perang pambili..
Here's some of those:
1) usb optical mouse. actually may mouse talaga ako. yung isa binili ko sa cdr-king kaso hindi naman tumagal, nakakainis nang gamitin kaya hindi ko na ginagamit. yung isa naman, maayos pa kaso serial nga lang. eh wala naman akong serial port.
2) hair spa or cellophane. kawawa naman kc yung hair ko. nagdry na sa stress.. :(
3) new silver necklace. wala lang. minsan lang naman ako magnecklace. gusto ko lang magkaron ng bago. may necklace naman ako kaso masikip na sa leeg ko. lumaki yata yung waist line ko. hahaha.. may connect yun! ang mga tao pag bumibili ng pants, sinusukat sa leeg ang waistline ng pants. parang habang lumalaki ang bewang ng tao lumalaki din ang leeg. cool di ba? hindi nga lang ako sure sa scientific explaination nun. sabi sabi lang sa tabi-tabi.
4) body spa and massage. hindi ko pa nattry to ever pero gusto ko subukan minsan. makapagrelax man lang paminsan-minsan.
5) car-for-rent for family vacation. pag gustong umalis ng family, nakakalungkot na hindi nakakasama ang lahat or may kelangan maiwan. pag may naiwan, hindi na sasama yung iba. hehehe.. gusto kasi namin kung aalis kami, kumpleto para mas masaya. kaso ang problema namin, hindi kami kasya sa sasakyan. well, of course hindi maiiwasan na isipin na "ang arte nyo naman, yung iba nga dyan nakakapagcommute", hindi ko sila masisisi. gustuhin man namin, kaso may baby kaming kasama and may edad na rin ang aking mga magulang. syempre, gusto ko rin na comfortable ang parents sa vacation nila.
6) driving lesson. gusto kong mag-aral magdrive. gusto ko rin kc ng sasakyan. kung magkakaron ako ng sasakyan tapos hindi naman ako marunong magdrive, hindi ko rin maeenjoy yung sasakyan ko, iba pa makakagamit. gusto ko na rin matuto ngaun para pag nagkaron ako ng sasakyan, bihasang bihasa na ko. hindi na ko mababangga.
7) clinique happy perfume. matagal nang gusto tong perfume na to. nagma-math55 pa lang ako sa UP, gusto ko na siya. yun nga lang hindi ko pa alam kung ano yung perfume na yun dati. muntikan ko na ngang tanungin yung babaeng naamoy ko na nagpapa-photocopy sa may xerox dati sa math building, malaman ko lang yung brand. eh, tinamaan ako ng hiya e. buti na lang alam ng isang friend ko.
8) desktop monitor. kawawa naman yung computer namin d2 sa bahay. almost half na lang ang nagddisplay, yung iba black na. hindi pa proportion. 'pag nag-edit ka ng photo sa photoshop, distorted na mukha na kina-crop or edit mo.
9) 2 Gb memory stick duo. memory stick ang gamit ng phone and camera na meron kami. minsan kc nauubusan ako ng "film". kelangan kong itransfer na kagad yung pics para makapagshot pa ulit or kelangan magbura ng pinaka-panget para magka-space. lagayan ko rin kc yun ng kung anu-anong files and mp3s.
10) blackberry for aldous. wala lang. gusto nya daw ng ganung phone e. gusto ko rin sya magkaron ng ganung phone.
11) trip to singapore or hongkong for family. or trip anywhere outside the country. relaxation pa rin. gusto ko rin sana kahit baguio or tagaytay trip man lang. kaso, yun e, kelangan matupad muna yung dream #5 or #12.
12) brand new car. see #5.
sana may one-million ako para magawa ko 'tong lahat or kahit tumama man lang ako sa lotto. Kaso medyo imposible kc hindi pa ko nakakabili ng ticket.
arggh.. ang dami kong gusto (luho/materyal naman halos lahat). well, libre naman ang mangarap di ba? ok lang yan. hangga't may pangarap, materyal man o hindi, may dahilan para ituloy ang buhay. may dahilan para maging masaya.
oopss... meron pa pala akong hindi nai-list...
13) more time.