just me.. just elj...

just random thoughts...

Sunday, February 24, 2008

Issues

Marami akong bagay na di maintindihan. Nasa akin ba talaga ang problema? Let's just analyze the whole mess.

Kung mainit ang ulo mo bakit kailangan madamay lahat? Maliit na bagay tuloy lumalaki. Ay! actually, wala naman pala talagang problema nagkakaroon dahil sa mainit ang ulo mo...

Mahirap bang magpaalam lang kung may gagalawin? Hindi lang naman kasi iisa ang gumagamit. Siguro naman kahit sa trabaho bago ka gumalaw ng isang bagay na ginagamit din ng iba, nagpapaalam ka di ba? Konting respeto lang naman.

I said, bili tayo ng "pagkain". Magkano ang "pagkain"? Pwede naman tayong bumili ng "pagkain" nang simple lang naman di ba? You didn't ask what we want. You didn't even ask kung magkano ang budget nga ko. Ngayon magagalit ka hirap akong maglabas ng pera? Mali rin siguro ako na pinabayaan kita. Pero sana maintindihan mo na importante sakin magtipid. Bawat singko may pinaglalaanan. Alam mo naman siguro na may pinaghahandaan akong "project" kaya ayokong magtapon ng pera. Konektado ba yun sa wala akong pakialam sa iba? Hindi ba pwedeng bumili ng pagkain sa presyong P400? O sige fine, P500. Tingin ko naman makakakain na ang lahat dun di ba? Hindi mo rin ba gets na gusto kong matuto kang magtipid at masatisfied sa simple kaya ako ganun?

Nagagalit ka kung pano ko itreat ang ibang tao, the way i speak to them? Sige guilty ako. Bakit, ikaw nakikita mo ba kung pano mo sila itreat? Ha!

Nakakatawa kasi sabi mo naiinis ka kc ang "ibang tao" nag-oopen ng dating dati pang problema, hmm... ikaw ba hindi ganun?

Kailangan ba idaan sa physical ang usapan? Haha.. Malakas ang boses ko? Matagal na kaya. Yun ba ang reklamo mo? Siguro nga mas OK nang manakit kesa sa malakas ang boses noh? Tsaka tingin mo ba maaayos ang mga issues kung mananakit ka? (Bakit ba may mga taong ganun? Ganun ka ba?)

Haay.. ang hirap talaga makipag-usap sa mga closed-minded.

Sunday, February 17, 2008

Meeting New Friends

It was really nice meeting new friends.

Two months ago, I joined the online community, Digital Photographer Philippines. It's a nice site para sa mga digital photographers, as the name indicates. The site is informative. Active members are nice.

Then almost two months ago I joined a group exclusive for girls. Ang dami kong nameet na iba-ibang klaseng tao. May mababait, may simple, may medyo mayabang, may ibang tao akala ko sa movie lang napapanood. Nakaka-shock pero nag-eexist sila. Of course, may mga pretty and nice girls din naman.

And two days ago, I joined an EB of photographers and models where I both belong. Siyempre marami na naman akong nakilala. The EB last Saturday was fun. All the photographers are super cool talaga and nice. Ang mga models, sige lang, GO lagi sa mga pinagagawa ng photographer. Although, may mga hindi magandang bagay na nangyari, sana nag-enjoy pa rin ang lahat.

Masyado yata akong nagiging active in meeting new friends. Hehehe.. Pero masaya. Masaya yung feeling na nakaka-meet ng mga bagong mga kaibigan, bagong makakakwentuhan at bagong kakulitan.

Promise. :"> :)

Check the photographers pics here.

Monday, February 11, 2008

UP Fair 2008 Schedule

MONDAY - LOVERAGE 2: OUTLOUD! (Adelfe Enu Crea Sorority and Pan Xenia Fraternity)
Bamboo, Parokya ni Edgar, Kamikazee, 6Cyclemind, MYMP, UPdharmadown, Itchyworms, Kitchie Nadal, Imago, Chicosci, Stonefree, Moonstar88, Silent Sanctuary, Mayonnaise, Soapdish, Shamrock, Gloc 9, Cookie Chua, Queso, Treadstone, Blue Ketchup, Protein Shake, Ciudad, Fuse, Paraluman, Manibela, Chubibo, Tha-R, Zelle, and many more...

TUESDAY - RAKESTRA 2008: LOST IN OBLIVION (Beta Epsilon Fraternity)
Sandwich, Urbandub w/ Manila Philharmonic Orchestra, Parokya ni Edgar, Kamikazee, 6Cycle Mind, Sugarfree, Itchyworms, Moonstar88, Chicosci, Silent Sanctuary, Callalily, Hale, Imago, Mojofly, Rocksteddy, Mayonnaise, The Dawn, Slapshock, Radioactive Sago Project, Kiko Machine, Pedicab, Hilera, Pinup Girls, Ciudad, Chilitees, Taken by Cars, Cambio, Manibela, Zelle, Boy Elroy, Oi Wag D2, Bembol Rockers, The Dorques, Angulo, Too Late The Hero, Duster, Aizo, Bagetsafonik, The Ronnies, Concrete Sam, El Mercurio, Peryodiko and many more...

WEDNESDAY - ROCK-LOVE-AN: SANDAAN: KAMI N'APO ULIT (Alpha Phi Omega Fraternity)
Sugarfree, Spongecola, Typecast, Callalily, Silent Sanctuary, Urbandub, Barbie Almalbis, Imago, 6cyclemind, Itchyworms, Hale, Greyhoundz, Proteinshake, Pedicab, Kjwan, Soapdish, Stonefree, Mayonnaise, Fuse, Mojofly, RockSteddy, ChicoSci, Check, Melanie, Hilera, VinceNoir, Paraluman, Manibela, Ciudad, Blue Ketchup, and many more!

THURSDAY - (Sigma Beta Sorority)

FRIDAY - (University Student Council)

SATURDAY - EUFAIRIA: 100 YEARS AT THE EDGE OF SANITY (Delta Pi Omicron Sorority)
Urbandub, The Dawn, Pupil, Slapshock, Kjwan, Queso, Greyhoundz, Chicosci, Kiko Machine, Stonefree, Acel, Sugarfree, Moonstar 88, Mojofly, Paramita, Hilera, Cambio, Chubibo, Giniling Festival, Datu's Tribe, The Wudz, The Jerks, Radioactive Sago Project, Aizo, Cathexis, Sunflower Day Camp, Threadstone, Fuse, Ursaminor, Nickty Nasty, Kampai, and many more...

Grand Fashion Show

Kamusta naman yan.. Di ko alam kung bakit di bagay sakin ang may make-up.. nagmumukha akong bakla.. :-<

Anyway, nakakapagod magshow. Ganito ba talaga lahat? Mula Friday ng 9pm nasa venue na kami para sa rehearsal. Take note na ang show ay 6pm pa ng Saturday. Bawal umuwi after ng rehearsal. Natapos kami ng 9:30am siguro. Pero di pa ko pwedeng umalis dahil may binigay pa sya na additional sequence sa amin. 11 AM na ko nakakain ng breakfast. After that, tambay, antay.. Hindi rin ako makatulog dahil walang tutulugan. Dumating na yung mga make-up artist. Nagsisimula na silang magmake-up ng ibang models. Gusto kong matulog bago ako lagyan ng make-up. Dumating na si Aldous. Nag-ayos na ko bago matulog para pagkagising make-up na kagad. Kaso 30 mins lang yata ako nakatulog sa sasakyan ni Dous. Mahaba na ang pila sa mga make-up artist. 4pm... 5pm.. 6pm.. Di pa rin wala pa rin akong make-up and hair-do. Pagod na ko. Walang kain.. Bawal nang lumabas.

At last, time ko na para sa make-up. Mali ko din na sa knya pa ko nagpamake-up na alam kong pagod na sya. Sana yata sa iba na lang. Kaya ayun, nagmukha akong bakla. Kamusta naman. And after pa ng show ako nakakain ng lunch and dinner, that was 2 AM yata. Tama ba? Nagdecide na rin kami na sa office na lang matulog dahil bangenge na talaga ako. Haay.. grabeh..

Lessons learned:
  • Sa field na ganito, dapat marunong kang magmake-up sa sarili mo. Dapat alam mo kung ano ang dapat at hindi dapat ilagay sayo.
  • Piliting matulog para hindi mukhang haggard sa photos.
  • Kumain bago magbihis.
  • Magbaon ng pagkain at tubig.
  • Pilitin ang director nyo na maglagay ng portalet sa backstage.. Kung hindi mamamatay kayo!

Thursday, February 07, 2008

Reminder: Lapit na Saturday



Fashion show na po namin on Saturday.
 
free web site hit counter