Marami na ring napuntahan ang Penarmac. Buti na lang nandiyan si Steph para mag-lead, mag-arrange, magdecide at magtanggol para samin ([Hiro Nakamura] Yu hab gret pawe). Maraming beses sa Volets, Baguio, Boracay, Tagaytay at isang hunted resort sa Bulacan na kinalimutan ko na ang pangalan. At ngayon sa Club Manila East naman kami.
Maganda ang lugar. Malinis, maayos, disiplinado lahat ang tao. 12:30 when I and Aldous got there. 2pm pa daw sila makakarating ang iba pa naming kasama. Kaya naupo na lang kami ni dous and took the chance to share our thoughts and plans.
2:40pm na nang dumaling sila. Hindi daw valid ang deposit slip namin. Tama naman hindi nga valid. Kaso sana noong finax namin yung deposit slip, sinabi nila na hindi valid and kelangan may validation pa from metro bank. Kaya medyo hassle na kailangan pa naming magbayad ng 60% ng fee para makapasok.
Sa bilang ko may limang pool sa CME. Maganda at malinis ang tubig. Maraming tao pero hindi naman masyadong loaded dahil malaki ang lugar. Marami din silang rooms and cottages. 5pm na rin kami nakaligo.
Nagutom na rin kami kagad. Bumili kami ng food sa may bandang entrance ng resort na may jollibee and sizzling. Masarap ang sisig nila pero yung bangus hindi masyado. Nasobrahan nga yata kami ng bili ng food. Kung medyo matipid kayo sa ulam, kayang dalawa tao ang magshare sa isang sisig kung tipid kayo sa budget.
Bandang 7pm, nagdecide kaming magkayak. Sa una mahirap pero pag medyo alam mo kung pano ang tamang pagsasagwan, mas maeejoy mo na. Mas masarap magbangka doon kc mas malinis ang tubig at hindi nakakatakot kung malalaglag ka compared sa Baguio o Riverbanks/River Park. Nang mapagod kami, nag-swimming kami sandali at bumalik na rin kami sa room para maligo, kumain at magpahinga.
Hindi ko na namalayan kung anong oras na ko nakatulog. Naminsan minsan nagigising ako sa sobrang lamig. Kahit na antok na antok kinailangan kong bumangon at kumuha ng tuwalyang pangkumot.
7am gising na ang lahat. Tumawag na rin si Steph sa restaurant para mag-order ng breakfast namin. Isa isa na rin kaming naligo. 9am na wala pa rin ang inorder naming pagkain. Tumawag ulit si Steph sa restaurant para i-follow-up. Hala! Hindi pa rin yata nagagawa ang order namin. Kamusta naman yun? Ilang minuto pa, sa wakas, nandyan na ang panglaman ng amin tiyan.
Pagkatapos namin kumain, nakapag-ayos na rin ang lahat at ready nang umuwi. Kaso sakit ng ulo ko sa antok. :(
Labels: Club Manila East, cme, penarmac, swimming