just me.. just elj...

just random thoughts...

Wednesday, November 28, 2007

I miss you

While Aldous and I were having our coffee last night in Trinoma, I saw a familiar face walking just in front of us. It was Arianne, a good friend from my previous work. She's pretty (Oh yes dear.. you still look very lovely. I wonder why you're still single). She was supposed to meet her friend to watch a movie. Unfortunately, her friend hadn't arrived yet. (Teka, she or he ba?)

It was a perfect time for us to catch up again and do silly stuff. Picture taking ever! Crazy shots.. Hahaha! In fairness, nag-enjoy ako. :p Sometimes it just feels good to act like a child.

Aww.. I miss my friends. I miss doing crazy stuff and laughing out loud with them.

Anyway, hope to see you again, Arianne.. :p

And hope to see my other friends again too! I miss you guys. If you have time, just give me a ring.

Friday, November 23, 2007

Sulat ni Tatay at Nanay sa Atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan
o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan,
huwag mo sana akong kagagalitan.

Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan
ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay
nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka.
Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.

Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin,
maghapon kang mangungulit
hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko.
Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.

Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit.
Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap.

Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.

Natatandaan mo anak, noong bata ka pa?
Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin
ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,
Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay
At bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...


Written by Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan

Wednesday, November 21, 2007

Trip Assessment: Singapore and Malaysia

Mostly, sa mga trips namin ni Dous dependent kami sa mga kasama namin. On this trip, we had nothing but to depend on ourselves.

Naging masaya ang trip namin ni Dous, although mas masaya kung marami, OK na rin. Naging mas bonded kami, kayo ba naman ang magkasama sa buong trip ewan ko na lang. Hahaha! Parang walang choice. Pero naging good girl naman ako Dous, di ba? :D

Hindi masyadong maganda shots namin. Sayang wala na kaming time mangareer. Late na kami nagigising, late na rin kami nakakaalis. Kaya rush tuloy kami. OK lang naman. Nag-eenjoy naman kami sa pakikipagkwentuhan. Hi Rye, regards po kay Laurence. Thanks po! Oi Cha, kemeste menge teksi dyen? Ekey ne be teng English keh? Sleng ne sleng de beh? Hahaha! Ay.. Hehehe! Eddict de ba? Hehehe!:p Thanks Cha! Ate Ichie and Kuya Joel, thanks po ng marami. See you po sa wedding.. :)

Madalas hindi kami nagkakaintindihan pag nawawala na, hindi na namin alam gagawin namin or pagod na kami. Good thing hindi naman kami naubusan ng datung. Hahaha! Goodluck na lang siguro samin 'pag wala na kaming panggastos. Iyak na lang kami.

Maliit lang ang budget namin punta dun. Masaya kaming hindi nagamit ang credit card at savings namin pareho. Ngayon ko lang narealize na mas challenging talaga pag limited ang iba. Mas masarap ang feeling. Kaya siguro mas nag-enjoy ako sa Malaysia. Hindi dahil sa lugar, kundi dahil sa na-overcome namin yung kakaibang challenges dun.

Una, natuto kaming magbudget ng lahat -- oras, pera, pagkain, etc. Pangalawa, nadevelop ang planning skills namin. Pangatlo, nag-improved ang teamwork namin. :"> Konti na lang Dous, pwede na tayong sumali sa Amazing Race -- pag di na tayo nag-aaway. Hahahaha!

Before our trip, gumawa kami ng itinerary namin. Hindi man nasunod lahat, may nadagdag, may nabawas, at least may patutunguhan pa rin kami kahit anong mangyari.

One year din before our trip, nag-iipon na rin kami ng 200-bills. Umabot din kami 100pcs. Salamat nga pala sa mga friends namin na tumulong sa pag-iipon. Hehehehe!

Malaki rin ang naitulong ng adsense na kinita namin. Yung gastos sa plane ticket, hindi na namin naramdaman kasi March pa lang bayad na yun. Salamat din kay Anne sa mga advices nya. Nakatulong po ng malaki yun, lalo na yung pagdadala namin ng instant noodles. Sayang Anne hindi tayo nagkita.. Awww...

To cut the story short, umuwi kaming masaya. Kadalasan kasi ang mga taong masungit, hindi satisfied at wala ng panggastos. Hahaha! Joke! Ako, sigurado sa December mukha na akong iguana, hindi na ko ngingiti. Hindi na ko satisfied, wala pa kong pera. Lahat ng tao aawayin ko na.. Huwahahaha! Joke! :D

Hanggang sa muling paglalayag. Paglalayag talaga eh noh? :P

You can check our magulong photos at:
http://aljdoi.multiply.com/photos

Singapore Trip: Observations and research

1) Right hand side
Unang mapapasin kapag sumakay ng taxi from airport. Right hand drive ang mga sasakyan dun, meaning left side of the road ka magda-drive and ang signs nasa left din. Kahit sa paglalakad kailangan sa left-side din.

2) Escalatormrt station
Cool ang escalator nila dun. 'Pag walang nakasakay, mabagal. 'Pag loaded naman, mabilis. Mas mabilis pa sa escalator natin. High-tech di ba? Tsaka kung hindi ka nagmamadali kailangan magstay sa left side ng escalator. Yung right side para sa mga nagmamadali.

3) MRTmrt card
Mas maluwag, mas malinis at mas mukhang bago ang MRT station nila dun. Mas disiplinado ang tao, although may mga pasaway pa rin, mas marami pa rin yung matitino. Pinauuna nila yung lalabas bago sila pumasok. Yung upuan nila dun, dedicated lang para sa x number of people. Hindi pwedeng sumingit kahit na may nakikita ka pang space. Pag nagsiksikan kayo sa upuan, sisitahin kayo ng guard. Yun mga matatanda dun makikipag-unahan talaga sayo pumasok or umupo. Unlike dito sa pinas, mostly gentleman talaga ang mga guys. Ang MRT card nila mas maganda kesa dito sa pinas. Tsaka tina-tap hindi pinapasok. :)

hokkien prawn mee4) Food
Hindi kami masyadong kumain ni Aldous ng pagkain nila sa Singapore. Mostly fast food pa rin like McDo, KFC, etc. Killjoy noh? Mahal kasi ang food dun at natatakot kasi kaming masayang lang ang binili namin. Ayon nga naman kay Dous, pihikan daw kasi ako sa food. Hindi naman ah..:p Pero may mga natry din naman kaming iba dun. chili crabsYung Hokkien Prawn Mee, yun yung popular na pansit nila dun. Masarap sya. Yung siomai nila, mas masarap kasi may hipon. Yung Chili Crabs and Baby Kai Lan with Oyster Sauce the best. Sarap! For dessert, Chilled longgan with Jelly. Pero mas masarap pa rin ang Pinoy Food. :)

5) Fast Food
Mas masarap ang fast food sa pinas. baby kai lanHindi ako kumakain ng burger pero sabi ni Dous, mas masarap daw ang burger ng Burger King sa pinas. At mas career ang fries natin dito sa pinas! Wala rice sa Burger King! Sa KFC, wala rin. Ang gravy may bayad pa! Pero mas malaki ang servings nila dun. OK na rin panlaman ng tiyan.

6) Pork and Beef
Mahal ang baboy at baka. Mga 1/4 kilo nasa around SGD 3.00 na. burger kingKaya kung hindi kayo kumakain ng chicken and vegetable, mangangayayat kayo ng husto sa Singapore.

7) Selecta
Yung selecta ice cream natin dito, Wall's ang tawag nila dun. Wala lang. Bakit kaya?

8) Coffee Bar
And daming Coffee Bean and Tea Leaf na nakakalat, may Starbucks pero konti lang. Unlike, sa Makati bawat kanto may Starbucks. Ang Starbucks pa sa Singapore, walang coffee jelly. Haay...wall's

9) Water
Safe ang tubig nila dun. Hindi na kailangan i-filter or i-boil. Kahit direct from the faucet, OK lang.

10) Yosi at Alcohol
Mahal ang yosi at alcohol sa Singapore. Goodluck na lang sa mga addict sa sigarilyo at alak. Ang San Mig Light makikita lang sa bar. Sosyal di ba?

11) Vehicles
Mahal din ang kotse dun. Triple daw ng presyo sa pinas. Kamusta naman? Pero kung iisipin mo, tama lang. Maganda naman ang transportation system nila dun. Hindi nila kailangan magkotse. At tsaka para konti lang ang sasakyan. Kaya yun, nakakaloka kasi wala ngang trapik! Yung mga sasakyan dun parang bago lahat at parang walang mga gasgas at matibay. Hindi ko alam kung alaga talaga nila yung sasakyan o disiplinado talaga yung mga tao dun.

taxi12) Taxi
Ang babait nila Uncle! Uncle ang tawag sa mga taxi drivers nila dun. Tama magsukli at laging may metro, may receipt pa! Hindi uso dun ang mga nangongontrata ng pasahero. Pwede ka palang magbayad sa taxi via credit card. Cool di ba?

bus stop
13) Street Signs
Sagana sila sa street signs. Hindi ka mawawala. Bawat kanto may street name. Even yung mga bus stop may names din. May list din kung anong buses ang dumadaan at kung saan dadaan.

14) Bus Station
Pinag-isipan ang bus station nila dun. Ang pilahan nila dun, color-coded. Hindi ka mawawala sa pila.

bus station15) Hit and Run
Uso daw ang hit and run dun lalo na pag kasalanan ng tumatawid. May kaso lang pag may nagreklamo.

16) Malls
Wala namang kakaiba sa malls nila. Mas malaki lang ang mall sa pinas. Tsaka everytime lang na papasok ako sa mall nila, parang nakasanayan kong magpacheck ng bag! Walang checking ng bag sa mall nila!(Ano kaya reaction ng mga foreigner na pumasok ng mall natin?)

vivo city mall17) Tourist Guide
Accurate ang map nila AT may book sila ng bus stop. Kailan kaya magkakaganun sa pinas? Imposible yata at kung posible matagal PA! Kailangan muna sigurong itigil ng mga politiko ang pagpapalit ang street name AT sana umayos na ang transportation system dito sa pinas! Haay....

18) No Political Posters
Wala akong nakita kahit isa! Buti pa dun.

19) It's Clean
Sadyang malinis ang lugar nila dun. Nung una akala ko sa airport lang malinis (parang dito satin). Pero hindi, buong Singapore malinis. Wala ring kable ng kuryente sa daan kaya siguro mukhang malinis. Nasan kaya?

20) It's Green
Kahit na civilized na ang Singapore, marami pa ring puno kaya nakakarelax pa rin.

21) It's Safe
Iwan mong hindi naka-lock ang pinto mo, most of the time walang mawawala. Sabi nila, pag nagamit na daw ng ibang tao ang gamit nila, hindi na nila gagamitin yun. Bibili na lang sila ng bago. Sosyal!

22) Weather
Maulan na daw ng November and December. Nung dumating lang kami umulan ng malakas. Yung ibang araw ng stay namin, makulimlim lang. Kaya masaya ang paggala! :)

23) Sunrise and Sunset
Late lumubog at sumikat ang araw sa Singapore. Seven o'clock in the morning na nagigising si haring araw at seven din in the evening nagtatago. Kaya kahit 8pm na akala mo maaga pa rin kasi kalulubog lang araw.

24) Customs
Pagdating sa Singapore, ang default lane nila sa customs dun "Passengers nothing to declare". Sa pinas, "Passengers with goods to declare". Hm.. Bakit kaya?

Friday, November 16, 2007

Old Pusit.com video

AJ uploaded the old Pusit.com video in YouTube. We're not yet part of the Pikitchen team when they did the video. Hope we'll make a new one soon.. :p

Watch the video:
http://www.youtube.com/watch?v=aF7Z4Ul3z2s

Wednesday, November 07, 2007

My First Google Adsense Cheque ?

My first ever payment from Google Adsense has just arrived. Unfortunately, I can't have some pictures of it 'coz it was electronically transfered. If only I was told a little earlier, I'll definitely be busy taking shots of my cheque. Oh well..

You could also try it. Goodluck. :)

Sunday, November 04, 2007

Happy with the Happy

Just got my birthday gift from Aldous.

Thank you Booh booh! I love it.. :">

Labels: ,

Whew!

Just finished my 2-day washing of clothes.
 
free web site hit counter