Dati parang naiisip ko mas OK siguro na bumukod para walang nangingialam sayo. Walang nagagalit. Kahit ano pwedeng gawin. Mag-isa ka lang.
Ngayon hindi ko man gustong bumukod pero parang ganun na ang nangyayari at hindi ako masaya.
Halos apat na taon na noong nag-asawa si kuya. Bago pa man nangyari yun, nalulungkot na ko kasi syempre alam mo yung pakiramdam na may aalis sa bahay nyo. Actually umiyak nga yata ako nung time na yun. Bumukod sila pero bumalik din naman.
After 2 years, kinasal ang ate ko. Last year yun. Nung wedding, siyempre kapatid, gumawa ako ng eksena sa reception nya. Hindi ko inaasahan na mangyayari yun. Ni hindi ko pinaghandaan. Wala akong script. Nangyari na lang. Of course, malulungkot ako. Kahit pa sabihin nila na "hindi ako nawalan ng kapatid pero I gained a brother", pero kung malayo naman sya para sakin parang ganun lang din yun. At ganun na nga ang nangyari, sa Makati na sya umuuwi at paminsan-minsan dumadalaw sila.
Ngayon, aalis na naman si Kuya. Nakakuha na sya ng bahay at syempre aanhin nya naman yun kung hindi nya titirahan.
Nakakalungkot kasi pag tuluyan nang umalis sila Kuya kami kami na lang nila Mama ang nasa bahay. Pag umaalis pa sila wala akong dinadatnan. Mas nakakalungkot tuloy.
Goodluck sa'kin. Iniwan na ko ng mga kapatid ko. Iniwan na rin ako ng pamangkin ko. Madalang ko nang maririnig yung tawag nya saking "Tita Joy", madalang ko nang mararamdaman yung nangungulit sakin at nanggigising sakin sa umaga. :(
Haay.. Nakakainis. Ang panget ng feeling. Nakakalungkot mag-isa.