just me.. just elj...

just random thoughts...

Sunday, August 27, 2006

i can't sleep

mag12am na, di pa rin ako makatulog. kanina p ko nkahiga d2. kelangan ko pa nman pumasok ng maaga..

haay..



one.. two.. three.. four.. five...............


-- sent via phone

Friday, August 25, 2006

Sleepy...

It's Friday, 05:55 AM! Nakikita ko na si haring araw pero hindi pa rin ako natutulog. :(

I need sleep.. goodnight people or should I say goodmorni.... zzzzzz...

Thursday, August 24, 2006

Weekday Routine, more or less

My day starts at 10am.

10:00 -- 10:30 Eat my breakfast.
10:30 -- 11:30 Play with Gaea.
11:30 -- 12:30 Get ready to go to my work.
12:30 -- 01:30 Play with Gaea again until she goes to sleep.
01:30 -- 02:00 Go to shuttle (to Makati).
02:00 -- 03:30 Travel to work.
03:30 -- 05:30 Work. Work. Work.
05:30 -- 06:30 Lunch somewhere at Greenbelt. (sometimes skipped)
06:30 -- 10:00 Work. Work. Work.
10:00 -- 11:00 Dinner (kung san bukas).
11:00 -- 12:30 Work. Work. Work.

if we decide to work overnight
12:30 -- 04:00 Work. Work. Work.
04:00 -- 12:00 Sleeping time.
12:00 -- 01:00 Eat my breakfast. (sometimes skipped)
01:00 -- 03:30 Work. Work. Work. (back to 03:30)
else
12:30 -- 02:00 Time to go Home.
02:00 -- 10:00 Sleeping time. (back to 10:00)

Kaya wala na masyadong social life......

Wednesday, August 23, 2006

On your Birthday...


Elementary Life
Grade 2 ako nung una ko siyang nakilala. Nagiging officer siya ng class namin. hm.. *thinking* isa ka rin ba sa mga napapag-utusan na maglista ng Noisy and Standing (haha! top one ako dyan!). Hindi kami close nun kasi malayo ang upuan ko sa kanya. Cruz kasi ang surname nya, nasa row 1. Ako Regalado, nasa row 3 ako kung hindi ako nagkakamali. Madalang lang kami mag-usap. Nakakasama ko rin siya at nakakausap kapag may inter-school competition and seminars. Isa rin siguro yun kaya medyo naging close kami. Hanggang sa nagtapos kami ng elementary dahil nga not-to-mention, mabait at matalino siya bata kaya taon taon siyang umaakyat ng stage at tumatanggap ng medals.

High School Life
Nang maghighschool kami, nakapasok kami sa iisang school ulit. Nagkaroon kami ng bagong friends, classmates, schoolmates, teachers, etc. First and second year, may mga sari-sarili kaming mga buhay. Pero nung nag third and forth year high school na kami, wala kaming choice kundi ang maging magclassmate ulit. Dahil sa pare-pareho kami ng daan at sasakyan pauwi, kami ang magkakasabay after ng class. Hanggang sa field trips kami pa rin ang magkakasama. Usapang silay, usapang A.C., usapang assignment, usapang buhay-buhay, walk-out, usapang projects, cake, icing, cookies, brownies, ulam at kung ano-ano pa ang pinapag-usapan namin. Nakakausap ko about secrets, kadramahan sa buhay, mga kalokohan, mga walang sense na topic (may madaldal lang ako, hanggang sa mainis siya, ayun, hindi niya na ko papansinin. hehehe.). Dati kapag wala kaming ginagawa, isa siya sa mga nag-aaral maggitara tapos sabay kakanta kaming lahat (not-to-mention ulit magaling kumanta yan!). Buhay namin nung high school. Masaya. Nakakamiss. Ang problema lang yata namin noon, yung masasakyang namin pa-Montalban ("Kondoktor: Parang! Parang! Kami: Montalban po?". hahahaha! nantatandaan mo ba yun?).

College Life
Hanggang sa magcollege kami. Matagal kaming hindi nakakapag-usap. Mawalan man kami ng telepono, OK lang. Halos likod lang naman ng bahay namin ang bahay nila, madaling puntahan. Nagbababad kami sa telepono minsan kapag pareho kaming may oras. Hanggang sa magdebut ang isa, magbirthday ang isa, mawala ang isa naming classmate na sa kanya ko pa rin nabalitaan............................

The Message
Anyway, marami nang nangyari, Aiz -- magaganda o hindi maganda sa sari-sarili nating buhay. Andito man kami sa tabi mo o wala but still dapat nakatayo pa rin tayo. Walang mag-gigive up. Basta wag ka lang makakalimot. Kailangan ng tulong? Lalo na ngayon na we're getting older, mas
maraming problema? Alam mo naman kung ano gagawin. Alam kong alam mo na mas madaling harapin ang problema kapag may makakausap at makakasama ka. Takbo ka lang papunta samin o kaya akyat ka sa pader ng Balubad para mas mabilis. Well, kung mas maiisip mong magtext or tumawag, mas mabilis pa yun, tingin mo? (hehehehe..) I know you're doing great sa work mo. Keep it up! We are proud of you and we'll always be. Don't worry. Lahat ng pinaghirapan mo, may magandang kapalit lagu yan basta alam mong wala kang sinasagasaang tao, wala kang dapat alalahanin. Basta paminsan minsan magpapahinga, OK? para malayo sa sakit.

Happy Birthday Aiza! Stay pretty.. We love you! *mwuah*

Sunday, August 20, 2006

Boracay Escapade...


Three days two nights, parang ang haba pero hindi. Pagdating ng ikatlong araw, siguradong sasabihin mo ang "Ang bilis, uwian na agad..", sabay simangot at buntong hininga..

Day 1: Aug 12, Saturday

7am ang meeting place namin sa Domestic Airport. But the usual ako nanaman ang pasaway. 6:15 na yata ako umalis ng bahay. Buti na lang medyo mabilis ang biyahe at mga 7:30 nasa airport na kami ni Aldous. Siyempre hindi na naman ako nakatakas sa pang-aalaska na pasaway nanaman ako. Anyway, few minutes after we got there in the airport, sabi delayed flight daw kami. Dapat kasi 7:55 ang flight namin, tama ba? :D pero 11:30 na kami nakaalis. First time ko sumakay ng airplane. Dati rati, tinuturo turo ko lang yun tapos sabay sigaw ng "Babye! Babye Uncle! (Tito ko na dati'y nasa ibang bansa)". Nakakakaba na nakakaexcite naman ang pagsakay sa eroplano. Nakakaenjoy kasi yung dating nakikita ko lang sa Google Earth, nakikita ko na ng actual. Nakita ko yung top view ng Maynila. Kaso maulap kasi kaya hindi ko maiging nakita yung buong Maynila.

Around 1pm, nasa Kalibo na kami. First time lang din namin sa airport kaya hindi namin alam kung san pupunta pagkababa namin ng eroplano kaya sumunod na lang kami sa ibang pasahero. Buti at may white board na iwinawagayway sa hangin (yung parang palabas sa sine dun nga lang ay black board. High tech na ngayon kaya white board na) na may nakasulat Stephanie de Guzman, Red Coconut. Sinundan namin kung nasan yung white board at dun nakita namin ang iba pa naming kasamahan. Tinulungan kami ng mga lalaki dun sa pagdadala ng mga mabibigat naming mga bag papunta sa van na magdadala samin sa Caticlan. Pagsakay namin, sabi nung isang lalaki, "Ma'am, tip po supporter" (tip sa porter). Tip? Kala ko mababait lang talaga sila, may bayad pala. Isa't kalahating oras pa bago makarating sa Catiklan tapos sasakay pa ng tricycle para makarating sa Red Coconut.

3pm nasa Red Coconut na kami. Nakakapagod din ang biyahe. Nagpahinga muna kami ng konti bago magligo sa dagat. Mahangin. Malamig. Hindi ko kakayanin ang lamig sa dagat. Kaya sa tabing dagat na lang ako nag stay.

7pm nasa Paradiso Grill na kami para kumain ng dinner. Paluto ang napagtripan. Hipon! My Favorite! Hindi dapat mawala yun. Kahit medyo mahal, OK lang. Minsan lang naman. Spoil ko na rin sarili ko. Idagdag mo pa ang mango shake. Yum!

Pagkatapos kumain, naglakad-lakad kami, picture dun picture dito. Pagbalik sa hotel. Sleeping time na. Medyo mahaba din ang nilakad namin.

Day 2: Aug 13, Sunday

Kelangan gumising ng maaga. 7am to 10am lang kasi ang breakfast. Medyo mahirap para sa akin yun, kasi ang usual na gising ko everyday is 12pm. Buti na lang andyan si Steph para manggising samin. Bacon, Egg, Corned beef and fried rice. Masyado akong natakam. Hindi din kasi ako usual na nakakapagbreakfast kc nga late na ko bumabangon. Mapadami yata ang kuha ng pagkain. Kaya kahit hindi kami ang huling dumating sa resto, ako pa rin ang huling kumain. Pasaway talaga noh?

Lakad daw ulit ang next. Papuntang station 1 naman ngaun. Mataas pa ang tubig. Ang lakas ng hangin, ang lakas ng alon. Ang lamig! Pero kahit ganun, bumili pa rin kami ng shake sa Station 1, what was the store Steph? Of course, mango shake pa rin. Sarap for P66.

Balik kami sa hotel. Bihis para maligo. Swimming pool muna. Ang lamig ng tubig kaya kailangan dahan dahan ako lumubog sa tubig. Manginginig ako sa lamig and baka magkasakit ako pag binigla ko. Patay ako sa mga magulang ko

Lunch na kagad. Hehehe.. Ikot kami. Hanap ng makakainan. Bora Sea Food Resto naman ngayon. May prawn? Ok. 100 grams po nun. :D hehehe.. Busog. Tambay muna kami sa tabing dagat para magpicture picture ulit. Jump shot naman ang napagtripan. Hehehe! Ang saya. Talon doon. Shot! Talon dito! Shot ulit. Hehehe.. walang sawa.

Hapon na. Swimming na ulit sa beach. Medyo may lakas na ko ng loob lumusong sa tubig. Kelangan na kasi kinabukasan uwian na. Hindi na ko makakaligo sa beach. Langoy! Kaso nadadala na lang ako ng alon. Ang lakas. After few minutes, dumilim ang kalangitan. Mala-Armagedon ito. Lumakas ang hangin, ang ulan. Ang lamig. Kaya nagdecide na lang kami bumalik sa hotel, para di kami mabasa (?!). Jump shot ulit sa ulan. Hahahaha! Multi-burst naman. Hehehehe. Tinaymer namin yung camera and sinet namin every 10 seconds magsa-shot. Pwesto.. Pose! Takbo.. Pose! Talon.. Pose! Takbo ulit.. Pose! Hehehe.. Ang saya.

After namin magpalit ng damit, dinner na kagad. Ang bilis ng oras. Sa Red Coconut na lang kami nagdinner, umuulan kasi. Hindi namin masyado trip ni Aldous ang mga ulam sa Red Coconut Resto, kaya chopseuy na lang tapos banana split na lang for dessert.

Day 3: Aug 14, Monday

Pagkatapos naming kumain ng breakfast, panonood na lang ng TV ang nagawa ko. Then pack-up na. Haay.. ang bilis. 12pm, check-out sa hotel. Then pagkadating namin sa Caticlan, delayed nanaman ang trip. 4:30 na kami nakasakay ng eroplano. Ba-bye Boracay...

Well, Ok lang yun. At least nakapagpahinga ang utak ko for few days. Ang saya! Sa uulitin!!!


This album is powered by BubbleShare - Add to my blog

More photos:
Rainsteph's Stormy Boracay Meets Penarmac

Boracay Estimated Expenses

For those who are planning to go to Boracay, this may help you in budgeting your money for 3 days two nights vacation.

Let's start.

Fare: We bought the One-peso fare ticket of Cebu Pacific which costs P1650 round trip each. Additional P200 for something(ano ba yung something?) at Cebu Pacific an hour before the flight. Paid P40 when we went back in Manila.

Hotel: We got the Red Coconut's package for P3300, air-conditioned van service and boat from Kalibo to Red Coconut and breakfast buffet inclusive.

Food for 6: We arrived 3pm. In our case, since our flight was delayed which was supposedly 8:55 but the plane arrived 11pm, Cebu Pacific provided us free lunch. First Night Dinner, we ate in a Paluto "Resto", Paradiso Grill. That dinner costs P1310. We got sinigang, garlic buttered shrimp, pusit, eggplant salad and drinks. Second Day, free breakfast at Red Coconut Resto! We had our lunch at BORA Sea Foods and Chicken Haus for P1330. Dinner at Red Coconut Restaurant for P2371.68. What else? Hm.. third day breakfast, FREE!

Summary:

Fare 1650
200
40
Hotel 3300
Food 219 (approximately one-sixth of 1310)
222 (approximately one-sixth of 1330)
396 (approximately one-sixth of 2371.68)
-----------------
Over-all expenses 6027 (exclusive of Tip sa Purter, Pasalubong, banana boat, etc.)

Kung may 7K ka, makakapground trip ka na sa bora, 3 days 2 night pa!

Hehehe.. tama ba to?

Bora tayo ulit!!! ;)

Saturday, August 19, 2006

I wanna have a business....

I want to have a small coffee shop with internet and a mini store. hm... tingin nyo magandang business 'yon noh?

Wednesday, August 09, 2006

Can't do anything..

My aunt works in Israel.. Sabi ko uwi na lang siya kasi delikado dun dahil nga sa Lebanon-Israel war.. Sabi nya kung uuwi sya wala siyang trabaho dito, magugutom lang sila.. Sabi niya tulungan ko yung pinsan ko na makahanap ng work para makauwi na siya dito. Kaso yung pinsan ko, nagcollege sa AMA pero hindi nakatapos.. Anong gagawin ko? Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung pano.. :(

Minsan talaga kailangan mong magsakripisyo para lang mabuhay ka at ang pamilya mo, kahit buhay itataya mo...

Would you spend your money?

If you are given a chance to buy a car, let's say given your lifestyle and quite enough extra money to buy a car, would you buy one?

Personally, syempre gusto ko... But given my lifestyle, I won't.. Hindi ko naman kailangan and mas mapapagastos pa yata ako id I drive to work.. Maybe, I would rather spend the money for a condo or a house..

Tuesday, August 08, 2006

Cute!!!

Ang cute nya oh..

Anong petsa na..

Ano na ngayon.. Aug. 8, na hindi ko pa rin tapos yung project ko.. Haayy.. gusto ko na tong malaunch.. sa Friday, Aug. 11 dapat matapos na lahat para pagpunta naman sa Boracay ma-enjoy ko naman. Yung walang project na iniisip. Chance ko na rin to para makapagpahinga ng mahaba haba. Matagal na rin ako hindi nakakatulog ng maayos.. Kaso isa pang problema ko, nung nagpaalam ako sa tatay ko, mukhang ayaw niya pa kong payagan. Maulan daw kc, delikado.. Waah, pagkatapos ng lahat? Excited na ko e. Nabili na lahat ng mga kailangan, mula sa ticket hanggang sa bahay. Pati nga bag nakabili na ko e.. Tapos ganun na lang.. Sana lang hindi umulan mula Thurs hanggang Monday..

Tuesday, August 01, 2006

Don't know what to feel

Last Sunday a friend came to our house. She was asking to make a video for her hubby. While we were busy looking for a song, I ask her some question about her. About her mom, her dad, her baby... All about her.

Hindi tulad ko, hindi tulad ng isang maswerteng anak na may nakalakihang ina. She grew up with her dad and step-mom but she left their house because of "step-mom-step-daughter" issue. Blah.. Blah.. Blah..

Kung ico-compare ko ang buhay ko sa kanya. Masasabi kong mas maswerte ako. Lumaki akong may nanay. May nag-guide sakin hanggang nagkaulirat ako. Nagsasabi sakin ng tama o mali. May nagpaaral sakin hanggang makatapos ako ng pag-aaral. May trabaho ako at kumikita ng pera.

Nakakalungkot. Gustuhin nya o gustuhin ko man na maranasan nya ang nararanasan ko ngayon pero medyo mahirap na. Alam ko na hindi nya ginusto lahat na masamang nangyari sa kanya. Ang mas malungkot pa dun, wala siyang magawa para mangyari ang lahat ng yun.

Nalaman ko din na ang video na ginagawa ko ay para sa December pa. Hinahanda niya para sa 3rd anniversary nila ng hubby niya. Gusto niya rin daw sana aside sa video mabigyan nya din ng espesiyal na pagkain ang asawa niya. She told me, it costs 14 pesos each (the food she wants to give her hubby). "Sana mapag-ipunan ko yun. Kasi pamasahe pa lang mahal na", she added with hope in her eyes.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nung time na yun. Parang naawa ako. Parang kinurot at puso ko. Parang sinampal ako. Gusto kong bigyan na lang siya ng pera at sabihin "Eto o, ipangbili mo". Hindi ko alam pero parang may pumipigil sakin na gawin yun. Gusto kong maawa pero alam kong hindi yun ang tama. Gusto ko siyang tulungan pero hindi ko alam kung pano.

Kapag naiisip ko yun, hindi ko alam kung dapat maramdaman ko. Siya, hirap siya kapag-ipon ng pera na siguro 200 pesos para sa pagkain. And to think sa may katipunan lang yun, na may 20 pesos na pamasahe. Ibig sabihin, kahit 20 pesos hirap siyang magproduce.

Pero alam niyo dahil dun hinahangaan ko siya. Kapus man siya sa pera, masaya niyang pinaghahandaan at pinag-iipunan ang isang espesiyal na araw.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano gusto kong sabihin sa post na to. Basta ang alam ko habang isinusulat ko ang post na to, malungkot ako na sa kabilang banda habang inaalala ang usapan naming iyon, natouch ako...
 
free web site hit counter